LOOK | Batang Math Wizard mula sa Brgy. Sambat, bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan!
Mismong ang ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ay napahanga ng batang si Jef Noah B. Soliman dahil sa angking talino nito sa larangan ng Matematika! Ang bata ay nagwagi ng mga parangal hindi lamang sa Pilipinas kundi pati narin sa International Competitions tulad ng mga sumusunod:
Ayon sa kanyang Mommy Sugar, 1 yr old pa lamang si Noah ay kaya na nitong magbilang ng 1 to 100, mag-solve ng basic math operations at kabisado na niya ang 2D at 3D shapes! Kaya naman hindi na nakagugulat na noong siya’y tumuntong sa edad na 5 yrs old ay kaya na niyang daigin ang talas ng isip ng isang batang 8 yrs old— ito ay ayon mismo sa Philippine Mental Health Association of the Philippines!
Hilig ni Noah ang mga subjects na Math, Science, Arts, History, Geography at Coding! Pangarap nya rin ang maging Astronaut o kaya’y maging isang Game Developer sa hinaharap.
Nanindigan naman si Mayor Sonny Perez Collantes na laging handang umagapay ang Pamahalaang Lungsod sa pagsuporta sa husay at talino ng bawat kabataang Tanaueñong tulad ni Noah.
By: Nic