Local AICS para sa 259 na mga Tanaueño

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Umabot sa kabuuang 259 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina Batangas 3rd District Representative Chief of Staff Atty. King Collantes at TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kaagapay ng ating Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
Previous School Bags at Supplies para sa ALS Learners!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version