Little League Philippines Series 2024 (NCR-South Luzon) Opening Ceremony!

Bilang pormal na pagsisimula ng Little League Philippines Series 2024, isinagawa kahapon ang Parade at Opening Ceremony na dinaluhan ng mga manlalaro mula sa ibang mga Lungsod at Bayan mula sa Southern Luzon at National Capital Region kabilang ang ating mga atleta.

Ang naturang parada ay nagsimula sa harapan ng Victory Mall na bumaybay sa Mabini Avenue patungong New Tanauan City Hall.

Kasabay nito ang mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes para pormal na pasimulan ang kompetisyon at bigyan ng mainit na pagtanggap ang lahat ng mga kalahok — at pasalamatan ang pamunuan ng Little League Philippines dahil dito ginanap ang pretihiyosong patimpalak ngayong taon.

Nagtapos ang seremonya sa magarbong Fireworks Display na inihanda ng Pamahalaang Lungsod.

Previous Planong pagpapatayo ng Coast Guard Substation Talisay sa Lungsod ng Tanauan, kasado na!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version