Libreng Medical Mission, inihatid sa Brgy. Pantay Bata

Libreng Medical Mission, inihatid sa Brgy. Pantay Bata
Alinsunod sa direktiba ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na mapanatiling ligtas at malusog ang mga Tanaueño, nagsagawa ng Libreng Medical Mission ang Brgy. Pantay Bata sa pangunguna ni Kap. Mike Manalo ngayong araw sa Pantay Bata Gymnasium.
Katuwang ang ating Tanauan City Health Office at Med Care Asia Inc., iba’t ibang programang pangkalusugan ang ibinababa para sa mga mamamayan ng Pantay Bata tulad ng Dental Check Up, Medical Consultation at Libreng mga gamot.
Ang naturang programa ay maituturing din na regalo ng Ama ng Pantay Bata na siyang nagdiriwang din ng kaniyang ika-52 na Kaarawan ngayong araw.
Previous Tanauan City’s 33rd Regular Flag Raising Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version