Libreng Medical Consultation, inihatid ng Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 at Tanauan Medical Society

Libreng Medical Consultation, inihatid ng Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 at Tanauan Medical Society
Upang mapanatiling malusog at ligta mula sa banta ng anumang sakit ang ating mga Tanaueño, kasalukuyang nagsasagawa ng Libreng Medical Consultation ngayong araw sa Brgy. Poblacion 3 ang Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 at Tanauan Medical Society katuwang sina Mayor Sonny Perez Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, Kon. Czylene Marqueses at Brgy. Kap. Manny Ramilo.
Ilan sa mga medical services na inihatid ay ang eye check-up, bone scan, internal medicine, pediatrics, at OB/Gyne.
Bukod sa libreng konsultasyon, nagpaabot din ng libreng gamot at supplements ang mga nasabing grupo para sa mga bata at matatandang nakiisa sa aktibidad.
Samantala, taos pusong nagpasalamat naman si Mayor Sonny sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga civil society groups tulad ng Jose P. Laurel Masonic Lodge No. 325 at Tanauan Medical Society upang matugunan ang kaukulang pangangailangan medikal ng ating mga kababayan.
Previous 1st Fluvial Marian Parade sa Lawa ng Taal

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version