KALIPI Federation of Tanauan Meeting

IN PHOTOS | KALIPI Federation of Tanauan Meeting
Dumalo at nakiisa sina Mayor @sSonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa ginanap na Quarterly Meeting ng KALIPI Federation of Tanauan kaninang umaga upang talakayin ang mga susunod na aktibidad ng naturang grupo.
Kabilang sa pinag-usapan at ibinahagi ni Mayor Sonny sa pagpupulong ay ang mga libreng programa para sa sektor ng kababaihan tulad ng libreng papsmear, skills at livelihood training katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Bukod dito, masayang ibinalita rin ng ating Alkalde ang pagkilala ng Sangguniang Panlungsod sa umbrella organization ng mga kababaihan na Tanauan City Women’s Coordinating Council na kaisa ng KALIPI sa pagsasakatuparan ng pantay na karapatan at oportunidad para sa abawat Tanaueña.
Samantala, nasabing pagpupulong ay pinangunahan din ng Tanauan CSWD at Tanauan City Gender and Development Office na katuwang ni Mayor Sonny sa pagbababa ng mga programa para sa mga kababaihan.
Previous Tulong Pinansiyal para sa mahigit na 50 benepisyaryong Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version