Isa na namang kawani ng Pamahalaang Lungsod ang muling nagpakita ng katapatan para sa ating kababayan

Good News, mga Tanaueño!
Isa na namang kawani ng Pamahalaang Lungsod ang muling nagpakita ng katapatan para sa ating kababayan kung saan nagsauli ng napulot na Wallet at Alahas si Mr. Jeffrey Segovia ng Tanauan City Trading Post nitong Lunes, ika-16 ng Enero.
Ang nasabing mga gamit ay agad niyang ipinagbigay alam kina Mr. Ruel M. Micosa at Kapitan Mike Biscocho upang mas mabilis na maipagbigay alam sa nagmamay-ari nito.
Labis naman ang pasasalamat ng may-ari na si Ms. Andrea Osuna Sorela mula Laguna dahil sa ipinakitang katapatan at kabutihan ng ating kababayan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon si Sir Jeffrey upang patuloy na gawin ang mabuti at tama para sa ating kapwa at mahal nating Lungsod.
Previous Problema sa Basura at ‘Emergency Transferring of Waste’ sa Brgy. Janopol Oriental, dininig ng Sangguniang Panlungsod ngayong araw

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version