General Assembly for Barangay Janopol Occidental

Janopol Occidental Barangay General Assembly!

Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Janopol Occidental sa pamumuno ni Kap. Sammy Ilagan, isang Barangay Assembly ang tagumpay na pinasinayaan upang iulat ang kasalukuyang accomplishments ng barangay.

Ilan sa tinalakay rito ay ang pagsasakatuparan ng mga pagawaing bayan tulad ng paglalagay ng street lights, extension outpost, pagpapagawa ng open canal, asphalt overlay, at repainting of Barangay Hall and church fence sa tulong ni Mayor Sonny Perez Collantes.

Taos pusong nagpasalamat rin ang nasabing barangay sa walang sawang pagsuporta ni Mayor Sonny upang mapanatiling maayos ang kanilang kapaligiran at sa pagkakaroon ng mga seminar trainings patungkol sa disaster response katuwang ang Tanauan CDRRMO.

Bukod dito, nagsagawa rin ng pagkilala sa Barangay Functionaries of the Mont at mga kabataan ng Janopol Occidental na nakapasa sa iba’t ibang licensure exams at sports.

Samantala, kabilang din nakibahagi sa naturang aktibidad si City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, Barangay Functionaries at samahan sa Brgy. Janopol Occidental.

Previous General Assembly for Banjo East Barangay

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved