General Assembly for Banjo East Barangay

Banjo East Barangay General Assembly!

Sa pangunguna ng Sangguniang Barangay ng Banjo East sa pamumuno ni Kap. Benigno “Taba” Dela Cueva Jr., isang Barangay General Assembly ang pinasinayaan kung saan inilahad ang kasalukuyang estado ng kanilang komunidad.

Ilan sa mga ulat-barangay na inilahad ng Sangguniang Barangay ay ang mga proyekto’t programa mula sa bukas na pakikupagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes tulad ng mga pagawaing bayan at regular na pagbababa ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng mga lider ng komunidad pagdating sa implementasyon ng mga programa para sa mga Tanaueño. Aniya, sa pamamagitan nito ay mas nalalaman at nabibigyang prayoridad ang kanilang pangunahing pangangailangan tungo sa pag-asenso ng baragay at mga mamamayan nito.

Samantala, kabilang din nakibahagi sa natura g aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao at 3rd District Representative’s Chief of Staff Atty. King Collantes kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, Barangay Functionaries at samahan sa Brgy. Banjo East.

Previous Solid Waste Management Board Meeting 2024

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved