Free Pap Smear para sa mga Tanaueña at iba pang serbisyong medikal, inihatid ng Pamahalaang Lungsod ngayong Women’s Month!
Mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga Tanaueña, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw sa ating Mega Health Center ang libreng Pap Smear para mga Tanaueña, katuwang ang City Health Office.
Nagsimula ang nasabing programa kahapon, ika-06 ng Marso kung saan 123 na mga Tanaueña ang naserbisyuhan. Layon din nito na mapanatiling napapangalagaan ang reproductive system ng ating mga kababayan at nasisisguradong ligtas ito mula sab anta ng cervical cancer.
Bukod dito, kasabay rin na isinasagawa ang Blood Letting activity para naman sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo para sa Surgical Mission sa darating na Biyernes, ika-10 ng Marso.
Samantala, nakahanda rin ang City Health Office para sa isasagawang Libreng Bilateral Tubal Ligation sa darating na ika-08 ng Marso para sa mga Tanaueña alinsunod sa Family Planning program na isinusulong ng ating lokal na pamahalaan.