Engineering Days ’22 ng Tanauan City College

Engineering Days ’22 ng Tanauan City College, binigyang suporta ni Mayor Sonny Perez Collantes
Dinaluhan ng ating butihing Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes, TCC Administrator Mr. Michael Lirio, Konsehal Kristel Guelos at Konsehal Sam Torres Aquino Bengzon ang Engineering Days ’22 (The 4static Comeback) ng Tanauan City College (TCC).
Naging laman ng mensahe ni Mayor Sonny ang kaniyang buong suporta para sa mataas na kalidad ng edukasyon sa Tanauan. Binigyang riin din niya na ang mga kabataan ang siyang mga magiging susunod na lider ng ating Bayan, kaya naman mahalagang matulungan sila na maitawid ang kani-kanilang mga pangarap.
Ang naturang Engineering Night na may temang “Fostering, Optimism, Unity and Resilience” ay handog para sa 363 estudyante
ng Computer Engineering kung saan ito na ang ika-apat na pagkakataon na pagdaraos ng TCC ng Engineering Days.
Samantala, tumayo namang hurado sina Atty. Cristine Collantes, Konsehala Kristel Guelos at Konsehal Sam Torres Aquino Bengzon para sa isinasagawang Pageant Night.
Previous Aba Pardes Agri-Tech Corporation at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version