Educational Assistance para sa 1,996 na mag – aaral ng Brgy. Ambulong at Maugat

TINGNAN | Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Ambulong at Maugat
Umabot sa kabuuang 1,996 na mga mag-aaral mula Brgy. Ambulong at Maugat ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang umaga katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga kawani ng bawat Sangguniang Barangay.
Nakiisa rin sa aktibidad na ito sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Kon. Sam Torres Aquino Bengzon, Kon. Dra. Kristel Guelos, at Kon. BGEN. Ben Corona na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.
Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.
Previous Oath taking para sa mga Promoted na Guro

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version