Educational Assistance, Mayor Sonny Collantes

Educational Assistance, ipinaabot ni Mayor Sonny para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Bilog-bilog!

Umabot sa kabuuang 995 na mga mag-aaral mula Brgy. Bilog-bilog ang personal na binigyan ni Mayor Sonny Perez Collantes ng Educational Assistance kaninang hapon katuwang ang Barangay Affairs, City Treasury Office at mga miyembro ng kanilang Sangguniang Barangay.

Nakiisa rin sa aktibidad si Atty. King Collantes na ating kabahagi sa malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng Edukasyon at para sa ating mga kababayan.

Habang alinsunod sa mandato ni Mayor Sonny na maghatid ng dekalidad na edukasyon, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance – dalawa kada pamilyang Tanaueño – sa iba pang mga barangay.

Previous Ikinararangal ko na ako’y isang Tanaueño! – Mayor Sonny Perez Collantes

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version