DOLE TUPAD

Programang DOLE TUPAD, muling inihatid ni Congw. Maitet Collantes katuwang ang Manila Teachers Partylist!
Panibagong batch na may kabuuang 180 na mga Tanaueño ang kasalukuyang sumailalim sa contract signing at orientation para sa programang DOLE TUPAD.
Ang naturang inisyatibo ay mula sa pakikipagtulungan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa Tanggapan ng Manila Teachers Partylist sa pangunguna ni Cong. Virgilio “VG” Lacson, Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes at Department of Labor and Employment – DOLE.
Hatid ng nasabing programa ay ang 10-Day community work na layong matulungan ang ating mga displaced workers na mabigyan ng panandaliang pagkakakitaan.
Kasabay rin ng orientation ay ang pagpapaabot ng mga personal protective equipment na kanilang magagamit sa kanilang paglilinis ng bawat komunidad na kanilang kinabibilangan.
Previous Local Health Board Joint Meeting

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version