GOOD NEWS
Ikinatuwa ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ang matagumpay na negosyo ni Ms. Cherrilyn M. Guiterez bilang dating benepisyaryo ng Libreng Skills Training (Bread and Pastry Production NCII), Financial Assistance at Libreng Electric Oven mula sa programa nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congw. Maitet Collantes.
Kabilang sa negosyo ni Ms. Cherillyn ay ang kaniyang ipinagmamalaking Pizza, paggagawa ng Customized Cakes at iba pang mga produktong talaga namang tinatangkilik hindi lamang sa ating Lungsod maging sa ating karatig na mga Lungsod o Bayan.
Sa mensahe ni Atty. Cristine Collantes, kaniyang hinikayat ang miyembro ng kababaihan sa Lungsod na maging inspirasyon si Cherrillyn upang magpatuloy na mapalago ang kanilang binubuong mga negosyo. Binigyang diin niya rin na laging aagapay ang Pamahalaang Lungsod at pamilya Collantes upang suportahan ang bawat isang Tanaueña para matulungang mapaunlad ang antas ng kanilang pamumuhay.
Dagdag pa niya, sa tulong ng Tanauan City Women’s Coordinating Council patuloy na bubuo ng mga programa at proyekto upang matulungan na mabigyan ng oportunidad ang ating mga Tanaueña.