Dalawang manlalaro mula sa Tanauan Labuyo Football team na lalahok sa 2022 SINGA Cup

Dalawang manlalaro mula sa Tanauan Labuyo Football team na lalahok sa 2022 SINGA Cup, binigyan ng suporta ng ating Punong Lungsod!
Nagpahayag ng mainit na suporta ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Kon. Sam Torres Aquino Bengzon para sa dalawang manlalaro ng Tanauan Labuyo FootBall Team na sina Shadrach Azucena at Santiago Miguel Bengzon.
Ang nasabing manlalaro ang napili upang lumahok sa Team Arayat para sa 2022 SINGA Cup na gaganapin sa darating na ika 4-7 ng Nobyembre. Kasabay nito, nagpaabot ang ating Punong Lungsod ng tulong bilang suporta sa kanilang dedikasyon na irepresenta ang ating Lungsod sa larangan ng Football, gayundin sa pagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
Tunay ngang maipagmamalaki ang husay at talento ng ating mga atletang Tanaueño!
By: Shiela
Previous Mga SK Officials na maglalaro sa Inter-Town Basketball League

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version