Courtesy call ng Munisipalidad ng Castillejos Zambales.

Ngayong araw nagtungo ang mga kawani mula sa Castillejos, Zambales sa New Tanauan City Hall para sa isang courtesy call sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang talakayin ang planong pakikipagtulungan ng kanilang Munisipalidad sa ating Pamahalaang Lungsod.
Binigyang pansin dito ang pakikipag-ugnayan ng kanilang pamahalaang lokal para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo sa kanilang mga kababayan. Kasama si Castillejos MSWD Officer Romina L. Bocalbos, RSW pinuri nito ang mahusay na paglilingkod ni Mayor Sonny sa Lungsod ng Tanauan.
Kaugnay nito, bukas ang Tanggapan ng ating City Social Welfare and Development Office upang suportahan ang Castillejos MSWD para sa kanilang mga programa sa kanilang komunidad. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ating Punong Lungsod sa iba’t ibang Bayan at Lungsod para sa pagkalap ng mga ideya para sa pagpapalawig ng mga serbisyong inihahatid sa bawat pamilyang Tanaueño.
Previous 2023 BOSS Validation ng DILG IV-A, BFP Batangas PIS, Department of Information and Communications Technology – DICT at DTI Philippines.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version