City Government of Tanauan 2022 Annual Recognition and General Assembly

City Government of Tanauan 2022 Annual Recognition and General Assembly
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes, naging masaya at napuno ng papremyo para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na ginanap sa Tanauan Institute.
Ito ay bilang pasasalamat ni Mayor Sonny sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, aniya “Ipinangako ko sa ating mga kababayan na tayo’y maglilingkod at gagawa ng mga proyektong makatutulong para sa ating mga kababayan, at sa ating pagganap sa tungkulin, hindi ko lahat iyon magagawa kung wala ang tulong at pakikiisa ng bawat empleyado ng Pamahalaang Lungsod, kaya’t ako at ng aking buong pamilya ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat! (Mga Kawani)”.
Nagkaroon ng presentasyon ang mga departamento na hinati sa anim na clusters, nagpakitang gilas sa pagsayaw, pagkanta at pagpapakwela ang mga kawaning kalahok sa nasabing patimpalak. Sa huli ay tinanghal na kampeon ang Cluster 4 na sinundan ng Cluster 6 (2nd place) at Cluster 5 (3rd place).
Umulan naman ng mga papremyong groceries at appliances sa isinagawang pa-raffle para sa lahat. Habang, binigyang pagkilala rin ang mga kawaning nagbigay karangalan sa Pamahalaang Lungsod sa ginanap na Annual Recognition and General Assembly.
Lalong napuno sa pananabik at galak ng mga kawani nang dumako na sa paBINGO ni Mayor Sonny, kung saan ay bumaha ng mga bigtime na papremyo na talaga namang nag-iwan ng saya sa bawat
Naging matagumpay ang pagtatapos ng programa at nagmarka sa bawat kawani ang isang masaya at di malilimutang selebrasyon ngayong taon.
Previous “DepEd Night” para sa mga Guro sa Lungsod ng Tanauan, Tagumpay na inihatid ng ating Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version