Centenarian mula sa Santor, personal na binisita ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes

Binisita ng ating Punong Lungsod Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Kap. Lando Garcia ang ating centenarian na si Mrs. Juana Gonzales mula sa Brgy. Santor.

Personal ding ipinaabot nina Mayor Sonny at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes ang Birthday Cash gifts para kay Nanay Juana.

Samantala, bahagi ang aktibidad na ito upang mapaigting ang implementasyon ng City Ordinance No. 2014-27 kung saan nagpapaabot ng P50,000 ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at R.A. 10868 o Centenarians Act of 2016 na nagpapaabot ng P100,000 para sa ating mga kababayang Centenarian.

Previous Programang Pangkalusugan: Libreng Surgical Mission para sa mga Tanaueño, magkatuwang na inihatid ng St. Luke’s Medical Center Foundation at Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved