Blessing of New Barangay Hall Building of Brgy. Cale

IN PHOTOS | Blessing of New Barangay Hall Building of Brgy. Cale
Magkatuwang na pinasinayaan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Kap. Precious Agojo ang pagbasbas at pagpapasinaya ng bagong gawang Barangay Hall ng Barangay Cale ngayong hapon.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din nina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes, Former Board Member Atty. Jhoanna Corona, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at buong Sangguniang Barangay ng Cale kasama ang Association of Barangay Captains.
Ang proyektong ito ay mula sa pondo ni dating Senador at ngayo’y Cong. Ralph Recto katuwang si Bokal Fred Corona na layong maghandog ng mga pagawaing bayan tulad ng mga pangunahing imprastruktura sa Batangas upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyong publko.
Kaugnay nito, patuloy rin ang pagsisikap ni Mayor Sonny na suportahan ang pagsasaayos ng sentro ng pamamahala ng bawat barangay kabilang na ang pagpapatayo ng iba pang government facilities para sa mas mahusay na paglilingkod sa mga Tanaueño.
Previous Health Emergency Allowance (HEA) para sa Barangay Health Workers

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version