Birthday Cake para sa PDL ng Lungsod ng Tanauan

Mga PDL na magdiriwang ng kaarawan ngayong araw, hinandugan ng Birthday Cake ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Isang masayang pagdiriwang ng Kaarawan ang handog ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang si TCWCC Atty. Cristine Collantes para sa ating mga Persons Deprived of Liberty, matapos personal na ipaabot sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology – Tanauan City ang regalong Birthday Cake para sa kanila.
Ito ay bahagi ng kaniyang adhikain na maging makiisa para sa paghubog sa karakter ng ating mga bilanggo at pagbabalik loob para sa mas maayos at payapang Lipunan. Hakbang din ito ng ating Pamahalaang Lokal bilang pagtanggap at pagkilala na layong mapangalagaan ang mga tulad nilang nasa proseso ng pagbabago.
Previous Modified Handgun Marksmanship Training

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version