Balele Multi-Purpose Cooperative’s 28th Annual General Assembly

IN PHOTOS | Balele Multi-Purpose Cooperative’s 28th Annual General Assembly
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ginanap na 28th Annual General Assembly ng Balele Multi-Purpose Cooperative nitong ika-20 ng Mayo.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni BMPC Chairperson Mr. Apolinar Landicho kung saan kabilang sa tinalakay ay ang mga nakatakdang proyekto ng Samahan, accomplishment report at kasalukuyang estado ng mga isinusulong na programa para sa mga miyembro nito.
Habang sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang patuloy na paghahatid ng suporta para sa mga kooperatiba katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na makatutulong sa paghahatid ng karagdagang kabuhayan. Matatandaan din na nagpaabot ang ating lokal na pamahalaan ng tulong pinansyal at kagamitan sa BMPC para sa kanilang KADIWA project.
Samantala, nagpaabot din ng kaukulang suporta si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes sa pamamagitan ni Atty. King Collantes na kabahagi ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng mga kooperatiba at iba’t ibang industriya sa Lungsod.
Previous Mga Pagawaing Bayan sa Lungsod at agarang pagresponde ng BFP Tanauan City, Tinalakay sa 35th Regular Flag Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version