Pagkilala sa Husay at Dedikasyon ng Apat na Kadete Mula sa Philippine National Police Academy!

Mayor Sonny Perez Collantes, kinilala ang husay at dedikasyon ng Apat na kadete mula sa Philippine National Police Academy!
Mainit na tinanggap ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ngayong umaga, ang apat na kadete mula sa Philippine National Police Academy na sina CDT 2C Lidem Joseph Lester Casabal, CDT 2C Sarmiento Justin, CDT 4C Fontanilla Jem Tuiza at CDT 4C Algara Charles Joshua de Villa.
Dito ay ikinatuwa nina Mayor Sonny at Atty. Cristine Collantes na ang apat na magigiting na kadete ay mga kapwa natin Tanaueño na nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa prestihiyosong Paaralan. Ayon sa ating Punong Lungsod, “Kahit saan kayo madala, kahit saan kayo ma-assign, be the best that you can be, ‘iyon ay dangal na ibinigay niyo sa pamilya ninyo, you honor the people and you honor your position by serving our people”.
Kasabay nito, nagpaabot din ng simpleng regalo ang ating Punong Lungsod sa mga kadete bilang simbolo ng kanyang pagkilala at pagbibigay pugay sa kanilang dedikasyon at paninindigan upang maging mahuhusay na pinuno balang araw.
Previous Balele Multi-Purpose Cooperative’s 28th Annual General Assembly

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version