Axeia Development Corporation

Mayor Sonny Perez Collantes, lubos ang pasasalamat sa hinandog na Truck ng Axeia Development corporation sa Pamahalaang Lungsod!
Sa pagtaguyod ng isang Business-Friendly Tanauan City, nagtungo ang Axeia Development corporation sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw sa pangunguna ni AXEIA Executive Director Lynn Sy, Deputy CEO Geoffrey Quiec, Director for Operation Cheryll Valderrama at Project Manager in Batangas Engr. Steven Alcancia.
Tinalakay rito ang mga paghahanda, plano at programa para sa pagbuo ng oportunidad at kabuhayan sa ating mga kababayan. Pinagtuunan din ng pansin dito ang isinusulong ng ating Punong Lungsod na mapaunlad ang ating lokal na ekonomiya.
Ikinatuwa naman ni Mayor Sonny ang kanilang handog na Truck sa Pamahalaang Lungsod na magagamit para sa mga General Services ng ating Lokal na Pamahalaan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous Ang pag-iisang dibdib ng 17 magsing-irog sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version