Apat na Atletang Tanaueño, lalahok sa Baseball Federation of Asia XIII East Asia Men’s Baseball Cup!

Apat na Atletang Tanaueño, lalahok sa Baseball Federation of Asia XIII East Asia Men’s Baseball Cup!
Bilang pagsuporta sa husay ng ating mga manlalarong Tanaueño, nagpaabot si Mayor Sonny Perez Collantes ng suporta para sa ating mg Atletang Tanaueño na lalaban para sa Baseball Federation of Asia XIII East Asia Men’s Baseball Cup sa darating na ika-27 ng Abril hanggang ika-05 ng Mayo sa bansang Thailand.
Ang mga naturang kalahok ay sina Kennedy Torres, Mark Steven Manaig, Lord Aragorn De Vera at Bryan Vitrix Castillo na bahagi ng Men’s Baseball team na siyang kinatawan ng ating bansa upang lumaban sa anim pang mga bansa sa Asya.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes aming pabaon ang buong pusong suporta! Hangad naming ang inyong tagumpay!
Previous 32nd Flag Ceremony sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version