4Ps Validation Set 12 C-D, isinasagawa na sa Lungsod ng Tanauan
Alinsunod sa mandato ng RA 11310 o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, kasalukuyang binisita ni Mayor Sonny Perez Collantes ang isinasagawang 4Ps Validation Set 12 C-D ng ating Tanauan CSWD para sa ating mga Tanaueñong inaasahang mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaang nasyunal.
Ang nasabing potential beneficiaries ay nakabatay sa National Household Targeting system o tinatawag na “Listahan” ng Department of Social Welfare and Development Office. Habang masusing sumasailalim ang mga ito verification batay sa itinakdang criteria para sa programang ito.
Bilang suporta, nagpaabot din si Mayor Sonny Perez Collantes ng mga grocery packs para sa ating mga Tanaueño. Habang nakiisa rin sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, TWCC President Atty. Cristine Collantes, at Atty. King Collantes na ating kabahagi sa pagpapatupad ng mga proyekto’t programa ng pamahalaang nasyunal.
Sa kasalukuyan, sabay-sabay na isinasagawa sa buong bansa ang 4Ps Validation kabilang na sa Lungsod ng Tanauan kung saan isa sa mga pangunahing sektor na prayoridad ni Mayor Sonny pagdating sa paghahatid ng mga programa patungkol sa edukasyon, pangkalusugan at pangkabuhayan.