36th Regular Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod

Budget Call para sa taong 2024, Signing of Usufruct ng BFP at pagbisita ng PNP Region IV-A, tinalakay sa 36th Regular Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod
Sa 36th Regular Flag Ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, malugod na ibinahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes na sinimulan na ang budget call nitong nakaraang linggo katuwang ang mga income-generating offices ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Mayor Sonny, hakbang ito upang malaman ang projected income ng ating Lungsod upang epektibong mapag-aralan at mabalangkas ang budget allocation para sa taong 2024, kabilang na ang Utilization of National Tax Allotment ng Tanauan City mula sa Department of Budget and Management.
Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang pagbisita nina PNP Region IV-A Regional Director PBGen Carlito M. Gaces at Regional Internal Affairs Service 4A PBGen Joseph Bayan upang paigtingin ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Habang masayang ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang tagumpay na Signing of Deed of Usufruct para sa nakatakdang pagtatayo ng Tanauan City Central Fire Station katuwang ang Bureau of Fire Protection sa pangunguna nina BFP Regional Director CSUPT Jaime Ramirez, DSC, BFP Provincial Fire Marshal SUPT Orlando Antonio at BFP Tanauan City CINSP Rowena Ramos.
Sa kabilang banda, muling inatasan ni Mayor Sonny ang Task Force Clearing, Traffic Management Office at Civil Security Unit na pairalin ang “NO PARKING” Policy sa paligid ng Victory Mall.
Bukod dito, patuloy na pinaalalahanan din ng ating Alkalde na panatilihing malinis ang Lungsod na isa sa hakbang upang maibsan ang pagdami ng nakokolektang basura.
Previous Tanauan City Transport Cooperative 2nd General Assembly

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version