21 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 18TH FLAG CEREMONY

21 NOVEMBER 2022 | TANAUAN CITY’S 18TH FLAG CEREMONY
Sa pagsisimula ng panibagong Linggo sa Lungsod ng Tanauan, malugod na ibinalita ni Mayor Sonny Perez Collantes sa kaniyang ulat-bayan ang kauna-unahang pagkilala sa ating Lungsod bilang “Fully Compliant” sa 22ND GAWAD KALASAG SEAL. Kaniyang kinilala rin ang naging kontribusyon ng ating mga kapwa kawani partikular na ang City Disaster Risk Reduction and Management Office 24/7 – Tanauan City sa pamumuno ni City Administrator Wilfredo Ablao.
Habang ibinahagi rin ni Mayor Sonny ang kaniyang muling pagbisita kagabi sa ating Plaza Mabini kung saan plano ng Pamahalaang Lungsod na maglagay ng Amusement Rides para sa ating mga kabataang Tanaueño. Nagpasalamat din sya sa patuloy na serbisyo ng ating PNP-Tanauan para sa pagpapanatili ng seguridad sa ating cedera.
Samantala, nagbigay-suhestiyon din si Mayor Sonny sa ating Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Jun-Jun Trinidadpagsasagawa para sa paggawa ng Ordinansang pagbabawal ng pagparada sa mga pangunahing kalsada upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Lungsod. Gayundin ang pag-implementa ng Traffic Monitoring Office (TMO) ng pagbabawal ng pag-U Turn sa kahabaan ng Tanauan South Central School.
Pinasalamatan din ng ating Punong Lungsod ang Legislators’ Spouse and Kin at Sangguniang Panlungsod sa pag-oorganisa ng BINGO MO TULONG MO Fund-raising event para sa ating mga kababayang nangangailangan
Previous Tanauan City Women’s Coordinating Council katuwang ng Pamahalaang Lungsod tungo sa Bago at Maunlad na Tanauan!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version