Low-Cost Organic Farming, Sonny Perez Collantes

2-Day Seminar Ultra Low-Cost Organic Farming

Ultra Low-Cost Organic Farming, tinalakay sa 2-Day Seminar para sa ating mga magsasaka!
Nasa 50 magsasaka mula sa iba’t ibang Barangay sa Lungsod ang sumasailalim sa dalawang araw na pagsasanay hinggil sa Ultra Low-Cost Organic Farming sa Atalaya, Barangay Gonzales.
Ito ay mula sa inisyatibo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist – FITS Tanauan sa pamumuno ni Sir Sherwin Rimas upang maturuan ng modernong pamamaraan sa pagsasaka at makapagpatubo ng mga organikong pananim upang hindi na kailangang gumastos ng malaki sa kanilang mga isinasakang pananim.
Nagsilbi naman bilang Learning provider si JADAM International Operation Director Rei Yoon at Ginoong Gil Carandang na isang Organic Practioner sa ating Lungsod. Nakibahagi rin ang ating City Administrator Wilfredo Ablao bilang kinatawan ni Mayor Sonny upang ipaabot ang iba pang mga programang isinusulong ng Pamahalaang Lungsod para sa sektor ng ating mga magsasaka.
Previous Tulong pinansyal para sa higit 200 mga Tanaueño

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version