TODA na may pinakamataas na Tricycle Permit Renewal Applications, kinilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Ginawaran ngayong araw ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tricycle Regulatory Office-TRO Tanauan City sa pamumuno ni Mr. Senan Carandang ang 13 TODA na nagkamit ng may pinakamataas na Tricycle Permit Renewal Applications para sa taong 2023.

Kabilang sa nagkamit ng above 70% Tricycle Permit Renewal Applications ay ang mga sumusunod:

• AMATODA
• Knight Rider TODA
• Neil TODA
• TWD TODA
• Altura Bata TODA
• Balele TODA
• Janopol TODA
• Santor TODA
• Trapiche 234 TODA
• Bañadero TODA
• Malaking Pulo TODA
• DMMC TODA
• Natatas TODA

Ang nasabing pagkilala ay inisyatiba ni Mayor Sonny upang mahikayat ang ating mga tricycle operators at drivers na sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa Lungsod at upang masigurong ligtas ang mga pampublikong transportasyon para sa ating mga kababayan.

Previous Karagdagang mga Faculty members at mga programa para sa mga mag-aaral ng Tanauan City College

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version