Sektor ng Pangkabuhayan, tututukan ni Mayor Sonny!

Sektor ng Pangkabuhayan, tututukan ni Mayor Sonny!; Maayos na pamilihan at programa para sa mga Tanueñong Manininda

Pagpapalakas ng sektor pangkabuhayan ang kabilang sa tutukan ni Mayor Sonny Perez Collantes ngayong matapos ang isinagawang pagpupulong kasama ang mga kawani mula sa City Cooperative and Livelihood Development Office (CCLDO) sa pangunguna ni Department Manager Mr. May Teresita Fidelino at Office of the Trading Post Department Manager Mr. Ruel Micosa.

Kabilang din sa prayoridad ng pamahalaang lungsod ay ang pagpapaayos ng mga tindahan ng mga Tanaueñong manininda ng gulay, prutas, street foods at mga lutong ulam sa paligid ng mga pangunahing pamilihan sa Tanauan.

Dagdag dito, pinag-aaralan na rin ang pagpaplano patungkol sa pagpapaigting ng implementasyon ng kalinisan, kaligtasan at kaayusan ng mga pamilihan kabilang na amg paghahatid ng mga livelihood assistance sa mga Tanaueñong nais magsimula o palaguin ang kanilang negosyo.

Previous TODA na may pinakamataas na Tricycle Permit Renewal Applications, kinilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version