Year-End Assembly ng Federation of Senior Citizens of Tanauan, tagumpay!
Nagtipon-tipon ang lahat ng mga Senior Citizen Presidents ng 48 barangay sa Lungsod upang pasinayaan ang kanilang Year-End Assembly katuwang sina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes.
Sa mensahe ni Mayor Sonny sa nasabing pagpupulong, kaniyang pinasalamatan ang mga kapwa Senior Citizens na katuwang ng lokal na pamahalaan upang maihatid ang ibaβt ibang programa at serbisyo para sa kanilang sektor.
Habang katuwang si Congw. Maitet, mas lalong palalawigin pa ang nga benepisyo ng mga senior citizens mula sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga ahensya ng nasyunal na pamahalaan.
