Leadership Capability Training para sa mga Department Managers, inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes at HRMDO Tanauan City
“The hallmark of effective leadership is mindfulness in achieving a common positive goal: improving the lives of Tanaueños.” – ‘yan ang ilan sa iniwang mensahe ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ginanap na Leadership Capability Training ng ating department managers ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
Layon ng pagsasanay na ito na bigyan ng karagdagang kaalaman at iba pang leadership skills ang ating mga kawani ng lokal na pamahalaan tungo sa mas epektibo at maaasahang serbisyo para sa mga Tanaueño.
Kaugnay nito, nagsilbing resource speaker dito si Rev. Estelito Macahia katuwang ang HRMDO-Tanauan City.
Bukod dito, nakiisa din si TCWCC President Atty. Cristine Collantes kung saan ipinaabot niya ang taos pusong pasasalamat sa kanilang dedikasyong paglilingkod para sa Lungsod ng Tanauan.
