White Cane at Saklay, ipinaabot para sa mga kababayan nating PWDs!
Walang Maiiwang sektor, para sa mas pinalawig na paghahatid ng mga programa para sa ating mga PWDs. Ngayong araw sa pangunguna ni Atty. Cristine Collantes sa tulong nina Ginoong Marlon Ambito Torremucha at Gng. Lilia Canere, tagumpay na hinandog ang mga White Cane at saklay para sa mga kababayan nating may problema sa paningin at hirap sa paglalakad.
Bahagi lamang ito ng mga inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Person With Disabilities Affairs Office at mga pribadong sektor para sa pagpapalawak ng mga proyekto at mga aktibidad na mangangalaga at aagapay sa pangangailangan ng ating mga kababayan.