Weighing Scales at Specialized Foods para sa Mas Malusog na Kabataang Tanaueño!
Mas malusog kabataang Tanaueño – ‘yan ang patuloy na tinututukan ni Mayor Sonny Perez Collantes at ng ating Tanauan City Health Office kaya naman nagpaabot ngayong araw ng mga karagdagang infant weighing scales and wooden height boards para sa Barangay Nutrition Scholars ng Lungsod.
Layon nitong matutukan ang tamang timbang at laki ng mga bata edad 0 hanggang 59 buwan.
Bukod dito, namahagi din ng specialized foods para sa mga preschool children edad 6 hanggang 23 buwan upang masigurong malusog at naayon sa edad ang kanilang nutritional status.
Patuloy rin ang paghahatid ng iba pang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang iba’t ibang tanggapan upang masigurong natutugunan ang mga medikal at nutirsyunal na pangangailangan ng bawat kabataang Tanaueño.
