WEATHER UPDATE | BAGYONG #AmangPH

WEATHER UPDATE | BAGYONG #AmangPH napanatili ang lakas habang binabaybay ang Lagonoy Gulf
Batay sa pinakabagong ulat ng Dost_pagasa, kasalukuyang namataan ang sentro ng Bagyong #AmangPH sa baybayin ng Caramoan, Camarines Sur. Bagaman mabagal ang pagkilos nito pahilagang-kanluran, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 45 kph at may pagbugsong nasa 55 kph.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Burias Island, Ticao Island, Laguna, Aurora, Quezon, Polillo Islands, Rizal, Bulacan at Nueva Ecija.
Dahil dito, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Lalawigan ng Batangas, Laguna, at Quezon.
Samantala asahasan din ang pag-ulan hanggang Sabado sa ilang bahagi ng Luzon kabilang na ang CALABARZON, Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, at nalalabing bayan sa timog bahagi ng Aurora.
Para sa pinakabagong balita patungkol sa lagay ng panahon, tumutok lamang sa Tanauan CGTV at City Government of Tanauan o pindutin ang link na ito: https://tanauancity.gov.ph/traffic-update/.
Mag-iingat po tayong lahat.
Previous Pagtatayo ng Solar Power Plants ng Razon Group, sisimulan na!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version