Victory Motorcade para kay Miss Universe Philippines-Batangas Ms. Yana Ysabel Fajardo Maranan, mainit na sinalubong ng mga Tanaueño!
Mainit na pagtanggap ang inihatid ng mga Tanaueño para sa ating Miss Universe Philippines-Batangas Ms. Yana Ysabel Fajardo Maranan matapos isagawa ang grand motorcade bilang pagkilala sa kaniyang nakamit na tagumpay.
Bukod sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, binigyang-pagkilala rin ng Sangguniang Barangay ng Suplang sa pangunguna ni Kap. Michael Lumbres ang ipinakitang husay, kagandahan at talento ni Ms. Yana sa nasabing kompetisyon.
Habang patuloy naman ang pagsuporta ng Lungsod ng Tanauan para sa kaniyang nalalapit na pagsabak sa Miss Universe Philippines bilang kinatawan ng Lalawigan ng Batangas.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, taos pusong pagbati sa iyong tagumpay! Continue to make the Tanaueños proud!
