Happy Monday Tanaueños!
Bilang bahagi ng pagsisimula ng panibagong Linggo sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, naghatid ng ulat-bayan ngayong umaga si Mayor Sonny Perez Collantes patungkol sa mga aktibidad
Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang mga sumusunod:
• Pamamahagi ng Educational Assistance para sa mga mag-aaral para sa Brgy. Trapiche, Pagaspas, Luyos, Montaña, Sulpoc, Suplang, San Jose, Altura South, Altura Matanda, Altura Bata, Santol at Malaking Pulo
• Pakikiisa sa pagsisimula ng Budget Hearing para sa taong 2025
• Pagpupulong hinggil sa Sagip Pamilya Community Housing Project
• Pagsasagawa ng Blood Donation Drive kaugnay sa pagdiriwang ng 124th Philippine Civil Service Anniversary
• Pamamahagi ng Local AICS
• Maigting na pagbabantay patungkol sa naranasang pag-ulan dulot ng Habagat at Bagyong #EntengPH
• Pagsasagawa ng Asian Innovation Forum sa Lungsod ng Tanauan na hatid ng Daily Tribune
Samantala, naging matagumpay rin ang isinagawang SIGLAWUAN 2024 kung saan tampok dito ang mga aktibidad na nagpakita ng mayamang kultura ng Lungsod ng Tanauan tulad ng bangkakera sa Lawa ng Taal, pasiklaban sa kusina, palarong pinoy, karakul at marian fluvial parade.
Habang nagsama-sama rin ang mga Kabataang Tanaueño para sa paggunita ng Linggo ng Kabataan kung saan pinangunahan ito ng Tanauan City SK Federation President Ephraigme Bilog at Vice President Clarence Micosa.
