Tulong Pinansiyal para sa mahigit na 50 benepisyaryong Tanaueño

IN PHOTOS | Mahigit 50 benepisyaryo na nangangailangan ng tulong pinansiyal, sabay-sabay na tinugunan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes !
Sabay-sabay na kinausap ng ating mahal na Mayor Sonny Perez Collantes ang mahigit 50 na mga benepisyaryo na nangangailangan ng tulong pinansiyal para sa financial, hospitalization at burial assistance.
Sinigurado naman ni Mayor Sonny na regular na aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ang pamamahagi nito sa tamang iskedyul upang matiyak ang maayos at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Tanaueño.
Nagpaabot din dito ng suporta ang ilang mga Punong Barangay kabilang na si ABC President Kap. Ranny Fruelda. Samantala, bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa ating mga kababayang nais humingi ng tulong.
Previous Simula ng Pag-asa (SIPAG) Program Graduation Ceremony

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved