Tulong Dunong para sa mga mag-aaral ng Tanauan City College, ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Mas maabot na ang magandang kinabukasan para sa mga Kabataang Tanaueño matapos tagumpay na naipaabot ang Tulong Dunong Program sa mga mag-aaral ng Tanauan City College kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes at TCC Administrator Mr. Jun Goguanco.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay mga mag-aaral na benepisyaryo sa ilalim ng programa ng Commission on Higher Education(CHED) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.
