Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng Tananauan sa pamamgitan ng Traffic Management Office Tanauan City na kasalukuyang ipinatutupad ang pansamantalang one-way entry sa magkabilang kalsada ng Mabini Avenue upang magbigay-daan para sa mga tindahan sa ating #CederaSaTanauan.
Habang sa darating naman na Sabado, ika-23 ng Nobyembre ay pansamantalang isasarado ang Plaza Mabini mula Gonzales St. bilang pagbibigay-daan sa isasagawang Christmas Lighting sa Lungsod ng Tanauan.