Trabaho sa Bansang Japan, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny at Daiwa Japan!

Trabaho sa Bansang Japan, magkatuwang na tututukan ni Mayor Sonny at Daiwa Japan!
Sa paparating na buwan ng Setyembre ay nakatakdang magsagawa ng Livelihood Orientation ang Pamahalaang Lungsod katuwang ang Daiwa Japan para sa ating mga kababayang nagnanais makapagtrabaho sa nasabing bansa.
Bukod dito, iminungkahi ni Mayor Sonny Perez Collantes na kung maaari ay gawing libre ang isasagawang training para sa mga aplikante at kanila na lamang babayaran sakaling makatanggap ng Oportunidad sa Bansang Japan.
Kaugnay nito, ipinagpasalamat naman ni Mayor Sonny ang kanilang adhikaing matulungan ang ating mga kababayan. Nangako rin itong palalawakin pa ang mga ganitong uri ng programa para mapabuti at mapaunlad ang buhay ng bawat Pamilyang Tanaueño.
Previous Tulong Pinansyal patuloy na ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved