TINGNAN | Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at katuwang si Atty. Cristine Collantes, nagpaabot ng tulong pinansyal para sa higit 800 mga Tanaueño!
Higit 800 mga Tanaueño ang kasalukuyang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa patuloy na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at Tanauan Local Social Welfare and Development sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Department of Social Welfare and Development Region IV-A.
Bukod dito, kasabay din na ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pamamagitan nina Tanauan City Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at Third District Chief of Staff Atty. King Collantes ang tulong pinansyal para sa higit 100 kababayan nating naapektuhan nitong nagdaang Bagyong Paeng.
Sa kasalukuyan, ilan lamang ito sa mga inisyatibo programa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Nasyunal upang matugunan at masigurong naipapaabot ang bawat pangangailangan ng mga mamamayang Tanaueño.