Kaugnay sa free surgical mission na isasagawa ng St. Luke’s Medical Center HERE Foundation katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes at ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang sumailalim sa pre-surgical assessment ang mga Tanaueñong benepisyaryo ng naturang programa.
Ito ay paghahanda upang tagumpay na maibaba ang medikal na program amula sa buong Surgical Team ng St. Luke’s Medical Center-Global City sa pangunguna ni St. Luke’s Medical Center Foundation Inc. CEO & President Dr. Arturo S. Dela Peña katulong ang mga kawani ng City Health Office (CHO).