Mga aktibidad para sa paggunita ng 18-Day Campaign to End VAW at mga Programang Pangkababaihan, tinalakay sa TCWCC’s 7th Monthly Meeting!
Kaugnay sa pagsusulong ng gender-responsiveness sa Lungsod ng Tanauan, kasalukuyang naghahanda na ang Tanauan City Women’s Coordinating Council sa pangunguna ni Atty. Cristine Collantes sa paggunita ng 18-Day Campaign to End VAW katuwang si Mayor Sonny Perez Collantes at ang Gad Tanauan.
Bukod dito, tinalakay rin ang kasalukuyang estado ng mga livelihood and skills training program na ibinaba para sa bawat barangay bilang dagdag kaalaman at kasanayan sa mga kababaihan.
Samantala, bilang pasasalamat, naghanda ng supresa ang mga kababaihan para kay Atty Cristine at sa mga BWCC Presidents na nagdiriwang ng kaarawan.