TCC Ordinance, Computer System, at bagong miyembro ng TCC Board of Trustees, tinalakay sa 8th Tanauan City College Board of Trustees Meeting
Sa pangunguna ni Tanauan City College BOT Chair Mayor Sonny Perez Collantes at OIC Mr. Jun Goguanco, isa-isang pinag-usapan ng mga miyembro ang ilan sa mga matagumpay na aktibidad ng paaralan mula ng buksan ang Taong Panuruan 2024-2025.
Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang nga sumusunod:
• 11th Founding Anniversary Celebration
• Research Orientation
• Iskolar ng Lungsod Council Elections
Samantala, tinalakay rin sa pagpuoulong ang bagong computer system ng pamantasan kung saan magagamit ito ng mga mag-aaral at mga guro bilang online portal.
Masusing pinag-aaralan na rin ang mga rekomendasyon para sa rebisyon ng Tanauan City College Charter.
Habang inilatag din sa pagpupulong ang Proposed Annual Insurance para sa mga mag-aaral at guro ng TCC.
Bukod rito, kasalukuyang ongoing na ang konstruksyon ng bagong Tanauan City College building particular na ang academic at admin building matapos isagawa ang regular na site visit dito.
Samantala, kinilala naman bilang bagong TCC BOT Member ang bagong pangulo ng Iskolar mg Lungsod Council na si Ms. Regine Hardinico bilang kinatawan ng mga mag-aaral.