Land Bank of the Philippines, nag hatid ng tulong sa mga Tanaueño!

Taos pusong pasasalamat po, Land Bank of the Philippines para sa hatid na tulong sa mga Tanaueño!
Bilang kinatawan ng mga mamamayan, taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes sa mga kinatawan ng Landbank of the Philippines sa pagpapaabot nito ng tulong pinansyal para sa mga kababayan nating nasalanta at naging biktima ng bagyong #KristinePH.
Patuloy naman ang paghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t ibang tanggapan upang masigurong natutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya, kabilang na ang ating mga evacuees.
Previous Libreng Sisiw para sa mga Kababaihan at ERPAT Members!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved