Tanaueña Pride Miss Universe Philippines – Batangas Ms. Yana Ysabel Fajardo Maranan!

Tanaueña Pride na si Miss Universe Philippines – Batangas Ms. Yana Ysabel Fajardo Maranan, binigyang-pagkilala ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Isa nanamang panibagong karangalan para sa Lungsod ng Tanauan ang naiuwi ng ating Tanaueñang si Ms.Yana Ysabel Maranan mula sa Brgy. Suplang, matapos koronahan bilang Miss Universe Philippines-Batangas 2024.
Kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes, TCWCC President Atty. Cristine Collantes, ABC President Kon. Precious Agojo at Brgy.Suplang Kap. Michael Lumbres, kanilang pinuri ang simbolo ng kagandahan at husay ng ating mga Tanaueña. Kanila ring binigyang-pagkilala ang tagumpay na nakamit ni Ms. Yana bilang isang inspirasyon para sa ating mga kabataang Tanaueña.
Mula sa 21 mga kandidata, tagumpay na nasungkit ni Ms. Yana ang korona at kasalukuyang nang naghahanda para sa nalalapit na Miss Universe Philippines na syang kakatawan sa ating Lalawigan.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, isang taos pusong pagbati sa iyong tagumpay. Mabuhay ang bawat isang kabataang Tanaueño!
No photo description available.
Previous Happy Monday, Tanaueños!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved