Tanauan School of Fisheries, pinagkalooban ng walong Computer Set at Dalawang Laptop mula sa Honda Philippines, Inc!

Bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng kumpanyang Honda Philippines, Inc, sila ay naghandog ng Computer Sets at 2 Laptops sa Tanauan School of Fisheries para sa mga mag-aaral nito.

Sa mensahe nina Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes kanilang pinasalamatan ang naturang kumpanya bilang bahagi ng ating Pamahalaang Lungsod para sa pagpapalago ng Lokal na Ekonomiya ng Tanauan. Pinuri rin nila ang kanilang pakikiisa upang bigyan ng suporta ang ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng ganitong uri ng proyekto.

Labis naman ang tuwa ng mga guro at mag-aaral sa kanilang tinanggap na mga Computer Sets, dahil makatutulong ito para sa kanilang mga aktibidad at mapapalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit ng teknolohiya.

Previous Atty. Cristine Collantes, binisita ang mga miyembro ng Samahan ng Kababaihan ng Banjo west!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version