๐๐ฅ๐จ๐๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ!
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo, personal na dumalo si Mayor Sonny Perez Collantes sa ๐๐ฅ๐จ๐๐๐ฅ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ng Kerry Philippines ngayong umaga, kasama sina Kerry Southeast Asia Food Service Chains Business General Manager Mx. Simon Hague, Ambassador of Ireland to the Philippines H.E. William Carlos at LGBT Chamber of Commerce President Mx. Ronn Astillas.
Ang taunang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Kerry Philippines upang bigyang-pagkilala ang natatanging kontribusyon ng ating mga kababayang miyembro ng LGBTQIA+ sa progreso ng ibaโt ibang industriya sa buong mundo.
Buong pusong pagsuporta naman ang ipinaabot ni Mayor Sonny kung saan kaniyang bingyang-diin ang pagkakaroon inklusibo at patas na oportunidad para lahat ng mga mamamayan. Aniya, patuloy ang pakikibahagi ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng gender sensitiveness upang malabanan ang stereotyping at diskriminasyon sa ating komunidad at ibaโt ibang industriya sa Lungsod ng Tanauan.
Kabilang din sa nakibahagi sa mahalagang okasyon ay sina Kerry Philippines Country Head and Commercial Lead Ms. Cynthia Macapugay, Intersex Philippines co-founder Mx. Jeff Cagandahan, Public Diplomacy Officer Ms. Kimberly Yu at Tanauan City Vice Mayor Jun-jun Trinidad.
Muli, mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, ๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก, ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐๐๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐+!